Miyerkules, Abril 20, 2011

Mga Estado sa Buhay ng mga Pilipino

Sa bansang Pilipinas, at maging sa ibang mga bansa, 3 lamang ang estado sa buhay ng mga tao., ang mga mayayaman, nakaka angat sa buhay, at mahihirap., Unahin na natin ang mga mayayaman, sila ang mga taong walang mapag ubusan o sabihin na nating walang mapag laanan ng kanilang kayaman, nabibili ang mga bagay na gustuhin nila, nakakakain ng 3 o higit pa sa isang araw, bumibili ng mga bagay na kahit hindi nman importante ay binibili parin, magsayang ng pagkain o gamit na para sa iba ay kayamanan na, ang mang husga sa kapwa nila na hindi kapantay ng kanilang estado, para sa lahat ito ang kanilang mga katangian.. ngunit hindi naman lahat ng mayayaman ay masama o may ugaling hindi kaaya-aya, marami pa rin ang may malambot na puso na tumutulong sa mga naghihirap nilang kababayan. Ang pangalawa nman ay ang nakaka angat sa buhay, sila ang mga taong may pagpapahalaga sa mga bagay na kanilang pinag hihirapan, ang perang kanilang kinikita ay nkalaan sa mga importanteng bagay na kailangan lamang nilang pagka gastusan, kumakain ng 3 beses isang araw, may tamang budget para sa buong linggo o buwan, nakaka ipon ng sapat para sa kanilang pamilya, pag papa aral sa mga anak, pagbibigay ng mga pangagailngan nila sa araw-araw, may bahay na masisilungan kapag umulan,may higaan na natutulugan ng komportable. At ang huli ay ang mga mahihirap, sila ang mga taong swerte na ang makakain ng 1 hanggang 2 beses isang araw, magkasama na ang agahan at tanghalian, bahala na ang hapunan, sila ang mga taong hindi naghahangad ng magagandang bagay o karangyaan sa buhay o masunod ang mga luho, sapat na ang ma-i-raos ang maghapon, maagang namumulat ang kanilang mga anak na magtrabaho (magbasura, mamalimos, at magbenta sa lansangan), ang iba pa sa kanila ay natutulog sa malamig na sahig ng kalsada, hindi iniinda ang lamig na maaaring magdulot ng sakit sa kanila ang importante ay mapalipas ang magdamag na sila ay makapag pahinga sa maghapong pag hahanap buhay.

 Nais ko lamang na ibahagi sa iba ang mga bagay na dapat din nating pansinin, kung kaya nating makatulong sa iba, gawin po natin, hindi man tayo kasing yaman ng iba, ang simpleng pagbibigay ng tulong, hindi man sa pinansyal na aspeto ay matutulungan natin ang ating mga kababayan.

At sa mga Pilipinong pinalad na magkaroon ng magandang buhay, hindi pa huli ang lahat para iparamdam natin sa ating mga kababayan na  wla na silang pag asa pa sa buhay na mayroon sila, kahit sa simpleng donasyon ng mga gamit o pinansyal na aspeto makaktulong po kayo.

Para sa ating mga kababayan na naghihirap sa buhay, lumapit lang po tayo sa Panginoon at siya po ay laging nakabantay sa atin, hindi man po pinalad na maka lebel sa ibang estado ng Pilipino, doblehin nlang po natin ang pagsasakripisyong ma-i-ahon sa hirap ang ating pamilya.